Saturday, May 7, 2011

Mother's Day

Nagising akong umiiyak si mama, tinanong ko kung bakit, hindi siya nagsalita muna at dumiretcho
sa CR, paglabas may inabot siya sakin na papel-pinilas sa isang notebook.
Pagbukas nalaman ko agad na sulat ni ate yon, puno ng emosyon ang sulat ni ate,
nag ssorry sa lahat ng mga ngwa nya at pag papasalamat na din. Madalas ang away
ni ate at ni mama ng mga nakaraang araw marahil dala na din siguro ng mga
pinagdadaanan nila pareho. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak din ako habang
binabasa ko ang sulat ni ate. Hindi ko inaasahan kay ate ang ganun. Pero alam
ko kahit may luha sa mata ni mama, sigurado ako napawi nun lahat ng sakit na
nararamdaman ni mama. Masaya itong araw na to’ sigurado ako.
Mother’s Day ngayon. Hindi ko alam kung mababsa mo to Ma,
pero gusto ko pa din tong gawin, gusto kong isulat ng lahat ng gusto kong
sabihin sayo.
Sorry Ma, Sorry sa lahat ng mga bagay na ginwa ko na nagbgay
sayo ng sakit ng ulo, sorry ma kung hindi ko mabigay lahat ng gusto mo, sorry
Ma kung hndi ko matupad yung mga pangarap ko sayo. Pero promise Ma, Pag kaya ko
ng lahat, ipapatikim ko sayo yung buhay na gusto kong matikman mo.
Ma, hindi totoong ayaw kitang kasamang lumabas, hindi
totoong ayaw kita kasama sa Mall, Minsan kasi Ma pagkasama kita sa Mall tapos
may gusto ka na hindi ko mabili, nalulungkot ako, pag may tinitignan kng bagay
na alam kong gusto mo, hindi ko matanong kung gusto mo, kasi hindi ko nmn
kayang bilhin. Sorry ma kung hindi ko mabili ung set ng jewelry na gusto mo,
mag iipon pa kasi ako. Basta Ma lahat yan mabibigay ko sayo.  Lahat ng gusto mo mbaibili ko. Mag ttravel tayo together. Dadalhin kita Ma sa mga lugar na napupunthan ko. Sabay natin
gagawin ung mga bagay na gusto mo Ma.
Mag pakalakas ka Ma, Alagaan mo yung sarili mo, magsasama pa
tayo ng mahabang panahon. Ingatan mo ung BP mo Ma, ung arthritis mo wag
hahayaan lumala, dapat lahat ng sakit mo ma mwala na
J araw araw akong nananalangin
na mawala na lahat ng sakit mo at lalo kpang lumakas ma.
Thank You Ma sa Kape sa umaga, thank you sa pagantay sa pag
uwi ko sa gabi. Thank you sa mahabang panahon ng pag aalaga mo samin, sa wlang
katapusan na pag aayos ng damit ko, pagkumot sakin sa gabi at sa lahat pa ng
bagay na ginagawa mo para gumaan ang buhay ko. Huwag ka matakot ma kun gmag
asawa na si ate, basta tandaan mo Ma, Kahit anong mangyari hindi ka mag iisa.
gaya nga na sabi ni ate ma, sagot k namin.
J
Sagot kita
J
Iloveyou Ma JHappy Mother’s Day.